June 16, 2026 May ipon ka na ba?💰🤔 Ngayong 24th Depositor Protection and Awareness Week (DPAW), ipinapaalala sa ating lahat na ang pag-iipon sa bangko ay higit pa sa pagtatabi ng pera—ito ay paghahanda para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay at sa pagtupad ng mga pangarap. Sa temang “Kapag sa bangko may ipon, handa anumang panahon,” hinihikayat ang bawat isa na ugaliing mag-ipon at maging mas maingat sa mga pinaghirapang pera. Tandaan, ang bawat halagang naiipon ngayon ay maaaring maging sandigan sa kinabukasan. Mag ipon sa bangko na may kumpiyansa at kapanatagan ng isip dahil sa deposit insurance ng hanggang 1 milyong peso kada depositor, kada bangko. Maging wais sa pag-iipon, protektahan ang iyong pera, at maging handa sa anumang panahon. #DPAW2026 #SafeBanking #WeThinkCUSTOMERS